Good Luck Kay Batman 6

Wow it's been ages guys. 

Ang tagal na palang di ako naka pag-update ng GLKB SERIES...haha!

Ang daming nangyari sa buhay ni batman. 

Una sa lahat meron ng nagmamay-ari ng puso ni batman. (Uy lumalovelife na ulit si Batman)

Ito ang kanilang kwento!

Nagkakilala sila dahil sa isang common friend. For sure ninong itong si common friend pag nauwi sa altar ang dalawang mag syota...haha!

Dati parang wala lang...simpleng tawagan, chat at kung ano- ano pa online. Bored si boy, bored si girl, kaya palagi silang nag-uusap. 

Pero isang araw parang may ibang nararamdaman si batman. Parang he always look for the girl messages before siya matulog. Parang naging routine na niya ito araw-araw at parang di kompleto ang araw niya pag di sila nakapag-usap. 

Batman confesses his feelings sa kay girl at tinuloy-tuloy niya na ang pagpapakita ng kanyang nararamdaman. 

Eventually sinagot narin siya ni girl. Syempre ang gwapo din naman ni batman kaya swerte ni girl. Haha!

Days, weeks, months goes by at naging ok naman ang kanilang relationship. 

Syempre di maiiwasan ang mag-away at magkatampuhan sa isang relasyon. Pero dahil mahal nila ang isa't isa nalampasan nila ang mga bagay-bagay na makakasira ng kanilang pagsasama. 

Batman is really lucky to have this girl. Palagi niyang iniintindi si batman. Sa lahat ng mga pagkukulang ni batman sa kanya ay di parin siya bumibitaw. 

Batman realizes that this girl is really something. Batman will treasure her and make her happy sa abot ng kanyang makakaya. 

Di man masyadong showy si batman sa kanyang nararamdaman kay girl, pero alam niya sa kayang sarili na ito na ang gusto niyang makasama habangbuhay. 

Pero ang problema, umuwi na si girl sa kanilang bansa at naiwan si batman sa bansang kanyang pinagtatrabahohan. In other words LDR sila ni girl. (Long Distance Relationship)

Kaya palaging nag mumuni-muni si batman pag nag-iisa. 

Maraming mga tanong ang pumapasok sa isip ni batman. 

Kailan kaya sila magsasamang dalawa ni girl? Malapit na ba or medyo matagal pa?

Malalampasan kaya nila ni girl ang LDR?

Makapaghihintay ba si girl? Pero gaano katagal?

Dahil sa marami pang katanungan ang pumapasok sa utak ni batman, bigla nalang siyang napasigaw ng ARAY! Shit bigla nalang sinumpong si batman ng kanyang migraine! 

At tinigil na ni batman ang pag e-emo at pag-iisip. 

At simpleng bumulong sa kanyang sarili ng mga katagang GOOD LUCK NALANG  KAY BATMAN!

Haha...oh guys ABANGAN nalang ulit natin ang GLKB SERIES updates. Pagsinipag ulit si batman for sure magkukwento yon.

BE SAFE ALL! 


Comments

  1. aba aba si batman nagkwentong barbero..he he he..goodluck batman at sana maimbitahan mo kami..God Bless!!

    ReplyDelete

Post a Comment