Para Sa 'Yo

Minsan sa buhay natin, 
may mga pangyayaring di natin inaasahan. 
Sa dinami-dami ng tao sa mundo,
pagtatagpuin parin tayo ng tadhana,
ng isang tao na nakalaan para sa atin. 

Kung saan?
Kung kailan?
Panahon lang ang makapagsasabi. 

Pero ikaw, dumating na sa buhay ko. 
Ikaw ang nagbigay ng bagong dereksyon patungo sa landas na matagal ko ng inaasam. 

May pagsubok mang dumating sa ating sinimulang paglalakbay, alam kong ating malalampasan. 
Di man perpekto ang ating pagsasama,
pero alam kong para tayo sa isa't isa. 

Ikaw at ako. Ito ang ating kwento. 

Marami pang pahina ang nakatakdang isusulat.

Marami pang hakbang ang lalakarin. 

Marami pang pagsubok ang darating. 

Pero kaya nating lampasan kahit ano pa yan. 

Basta ang pagmamahalan natin sa isa't isa'y mananatiling buo at totoo. 

Happy monthsary baby ko. 

I LOVE YOU. 

Comments